|
"BAKLA! TIBO! PUTANG-INANG MGA ABNORMAL YAN!" eto ang mga salitang namutawi sa isa kong kaibigan na galit sa mga bakla lalo na sa mga tibo. ang dahilan? iniwan sya ng kanyang "girlfriend" o syota para sa isang tibo na kaibigan din nila. Marami sa aking mga kaibigan na ang sumubok ng relasyon na hindi normal kung tawagin ng mga matatanda, mas masarap daw kasing magmahal ang mga ito kaysa sa mga ordinaryo. Napaisip ako? ( Pano nga ba kung ang magiging relasyon ko ay isang relasyon na hindi naman itinatakda ng lipunan, o yung mga taong sumusugal sa isang pagmamahalan na sinasabing Sa makabagong lipunang ating ginagalawan, sa panahon ng makabagong teknolohiya ay itinuturing pa rin ng karamihan na "taboo" ang relasyon ng mga homosexuals o yung tinatawag na hindi "straight". sa matinding impluwensya sa atin ng mga bansang tanggap na ang ganoong uri ng relasyon ay hindi ko lubos-maisip kung bakit hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang hindi makasikmura nito. maaring ang pagiging konserbatibo ng mga nakakatanda ang dahilan nito, dahil sa matagal na pananakop sa atin ng mga Kastila. O maaari rin naman dahil sa itinakda ng batas ng simbahan. O pwede rin naman ito ay sanhi ng masyado nating mapanghusga sa mga bagay-bagay na alam nating hindi ordinaryo o hindi itinatakda ng lipunan. Pero ano nga ba talaga ang ordinaryo? Ano nga ba ang tunay na itinatakda ng lipunan? Aaminin ko na hindi ko rin matanggap ito noong una sapagkat alam ko na mali ito ayon na rin sa paraan ng pagpapalaki sa akin. Kung tutuusin noong una ay wala naman talaga akong alam sa mga ganitong klase ng relasyon, hindi ko nga alam kung bakit at san nagsimula ang bagong "trend" na ito, o ang paraan ng pagpapahiwatig nila ng kanilang nararamdaman sa isa't-isa o kung paano sila magpalipas ng libog sa katawan o kung bakit marami ang naaakit na pumasok sa ganitong relasyon pero ang alam ko lang ay hindi ito maganda sa paningin ko at sa paningin ng nakakarami. Para sa akin, at sa nakakarami, isa lang ang panuntunan ng isang ordinaryo o normal na relasyon ito ay ang relasyon ng babae at lalaki. Yung mga tipo nila Florante at Laura, Romeo and Juliet at sa iba naman ay sila Alwina at Aguiluz o sila Kristine at Diet. Para sa nakakaalam ng tunay na nangyayari sa loob ng isang homosexual relationships ay simple lang ang sagot, "bakit mo iisipin ang sasabihin ng iba kung ang susundin mo naman ay ang iyong tunay na nadarama". Kung iisipin ay tama ito. Pero para sa akin magiging maligaya ka ba kung ang lahat ng mata ng mga taong nakakakita sa inyo ay nagpapahiwatig ng pagkasuklam at pagkabalisa dahil sa lumalalang imoralidad? Na ang lahat ng taong makakakita sa inyong dalawa habang magkasama ay mapapalingon at manghahaba ang leeg para lang makumpirma kung ang hinala nila ay totoo? Na kahit ikaw mismo na may karelasyon ay minsan napapaisip at tinatanong ang sarili kung tama ba ang iyong ginagawa. Dito ko naisip? Bakit nga ba masyadong maraming patakaran ang ating buhay. Bakit kailangan magtakda pa ng isang panuntunan upang mahiwalay lang natin ang inaakala nating tama sa Anong nga ba ang talagang tama? Ano ba talaga ang itinakda ng lipunan? O tama ba talaga ang panuntunan na itinakda ng lipunan? Kalian kaya darating ang araw na matatanggap na rin ng nakakarami na hindi na lang sila Florante at Laura, Romeo and Juliet at iba pa ang basehan ng relasyon. Na mayroon na ring Romeo and John na mayroon na rin Maria at Laura, na pwede na rin magtambal sa pelikula na walang malisya si |
| Leave a Comment: |