Friday, July 25, 2008
bagong tambayan

guys lumipat na ko...

for my new site... please click ...here...


braincells functioned at 09:50 am
click for comments...pls.  




Sunday, July 20, 2008
bago to


Matagal na rin since last entry ko dito.
Wala kasi akong ganang mag-blog… Walang creative juices na dumadaloy sa ugat ko, ika nga ni neri,
Walang ka-libog libog sa pagsusulat.

Marami na rin happenings and misadventures ang nangyari since last entry ko. Pero parang last night yata ang reason kung bakit nag-entry na uli ako. Nabasa ko kasi yung blog ng isang kaibigan kong Becky (term sa mga bading) na in-love daw sya sa isang lalaking nakilala nya sa vacation nya sa island of kabaklaan o mas kilala sa tawag na Puerto Galera.
Hindi naman nakakagulat dahil ang friend ko na to deserves to be happy after every thing he did for his past relationships. Pero eto ngayon si becky ka-text ko, parang naguluhan na daw sya. Parang hindi na nya love yung guy from the island. Bumalik daw kasi ang isang X nya from states at eto daw yung pinaka-minahal nya sa lahat ng X’s nya. As of the moment, si becky parang may fire-drill at mabilis pa kay flash sa pagtakbo papuntang Bi-noma (trinoma po ito).
That makes me wonder, what’s the line between relationship at tawag ng laman???

As of the moment, im single (ooops! dami magrereact! Oo single ulet) and trying to find my way to the arms of the right person, pero andami pa rin mishaps along the way, may nasaktan nanaman akong feelings at napaglaruang emotions, but what can I do, tao lang ako. Like last vacation I had, may umiyak nanaman because of what I did. Itago natin sya sa pangalang BIN LADEN.
From the start we have this “thing” between me and him pero I told him that I wasn’t ready to have a serious relationship. Don’t get me wrong, he is a good guy, pero wala sa kanya yung trait na hinahanap ko. The “thing” we had is like a pseudo-relationship pero hindi sa ganung context..(labo bah?) so punta kami ng vacation thinking na we are ok na ganun…(keep in mind na mga 2 weeks na kami hindi nagkikita ni bin prior sa vacation)… Eh masama bang lumandi with another person na parang angel na walang pakpak at para kang inaakyat sa langit pag tinititigan ka? (hindi ako naka-drugs, libog ang term dun sa na-feel ko). Eh wala naman kaming relationship nung guy na yun kaya what i did eh nag-enjoy ako sa pagiging single ko and to defend myself I made it clear sa guy na yun na we are just friends (oo na! friends lang) Pero still nagkaron sya ng emotional attachment sakin.
Ooops wag magtaas ng kilay,
Alam ko naman na kasalanan ko nanaman ang nangyari
but still I’ve pushed something beyond my control. Kaya ending talk-of the-town ang drama ng lola nyo.
Now im back here in my chair, contemplating on what really happened.

Is it just our defense mechanism to believe that its just lust that we feel for certain people that we knew that things wont work out? Maybe yes.
But for me, certain sacrifices must be done in order for us to have what we really want, even by the expense of other people’s emotions.

Taray no?


braincells functioned at 09:56 am
click for comments...pls.  




Tuesday, January 16, 2007
lrt ride.

I just want to share to you the weirdest experience I have ever encountered in LRT Line 2.

First time nangyari to sakin sa four years kong pagsakay ng lrt; it happened last January 6, around 5 to 6 pm. im together with ken, galing kami sa birthday ni dan sa pasay where we spent the night together with some other friends food tripping, kwentuhan, and kantahan sa videoke … after eating lunch and fixing ourselves kala dan, we decided to go home.

We decided to drop by in his apartment in Mendiola before going home to Rizal. So what we did was we took the LRT Line 1 from Libertad station to Central Station. The ride was uncomfortable, given na hindi yata gumagana ang air-condition nang train na to, plus the fact na iba't-ibang uri ng tao ang makakasabay mo. As in you can't pick the people that will literally brushed elbows with you, so inilabas ko nanaman ang super long PASENSYA meter ko. Ano nga ba ang ma-irereklamo ko eh public ride to diba.
So after that uncomfortable ride, we went to SM Manila to chill and take a leak, then some puff of smoke, and walah! I just found myself riding a jeep to Mendiola.

After staying at ken's place for almost 1 hour. We decided to go home… this is the good part! In Lrt's before you can enter the Train pad… you have to be check by the security churvas right??? So eto… ako yung nauna kay Ken to be check, after checking they let me in… Ken was being checked when I decided to go upstairs and buy tickets… when the guard suddenly run after me and told us na bawal daw ang lasing sa LRT.

THE HELL?!!?!?!?! SINO ANG LASING???? Hindi ako lasing at lalong hindi ako amoy alak… peste! Pabango ni dan yan Grrrr… the guards are now looking at me, as if I have a bomb in my pocket. So to avoid confrontations and possible fine, I decided to back off. Syempre nag ngingit-ngit na ko sa inis… but a good plan formulated on my mind.. pumara ako ng jeep going to sta. mesa, nagulat si ken. I told him to follow me… bumaba kami sa Pureza. I decided na sa Pureza station sumakay. I was expecting na na-radyo na kami nung mga pulis ng Legarda dito but guess what… nakapasok ako ng walang kasabit-sabit.  Haayyyy…………..

 

MORAL LESSON guys…

:wag kayong gagamit ng perfume na amoy alak. Baka akalain ng LEGARDA GUARDS eh lasing kayo!

 

ADVISE sa mga sumasakay ng LRT line one:

:magdala ng pamaypay at panyo… trust me, you will need it.

:sumakay ka pag di masyado puno… eh ano ngayon kung ma-late ka na. ok na yun        kesa naman mamatay ka na parang sardines diba?

:wag mag-jacket… hubarin ito bago sumakay ng LRT.

 

ADVISE sa mga sumasakay ng LRT line two:

:wag ka mag-panggap na lasing…

:kung kayo naman ay lasing… wag hihinga pag chine-check ng guards at magpabango ng fatal – advise ni ken.

:play smart pag di kayo pinasakay.. wag masyado skandalo. Mahirap ng makulong due to public scandal. Hehehe…


braincells functioned at 04:48 pm
4 spermheads released  




Tuesday, February 01, 2005
homo sa mata ng lipunan.

"BAKLA! TIBO! PUTANG-INANG MGA ABNORMAL YAN!" eto ang mga salitang namutawi sa isa kong kaibigan na galit sa mga bakla lalo na sa mga tibo.

ang dahilan? iniwan sya ng kanyang "girlfriend" o syota para sa isang tibo na kaibigan din nila.

 

Marami sa aking mga kaibigan na ang sumubok ng relasyon na hindi normal kung tawagin ng mga matatanda, mas masarap daw kasing magmahal ang mga ito kaysa sa mga ordinaryo. Napaisip ako?

( Pano nga ba kung ang magiging relasyon ko ay isang relasyon na hindi naman itinatakda ng lipunan, o yung mga taong sumusugal sa isang pagmamahalan na sinasabing mali o kahibangan. Ang relasyon ng mga taong hindi tuwid ang tinatahak na landas, o ang mga relasyon ng mga bakla at tomboy.) Mas magiging maligaya kaya ako?

 

Sa makabagong lipunang ating ginagalawan, sa panahon ng makabagong teknolohiya ay itinuturing pa rin ng karamihan na "taboo" ang relasyon ng mga homosexuals o yung tinatawag na hindi "straight". sa matinding impluwensya sa atin ng mga bansang tanggap na ang ganoong uri ng relasyon ay hindi ko lubos-maisip kung bakit hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang hindi makasikmura nito. maaring ang pagiging konserbatibo ng mga nakakatanda ang dahilan nito, dahil sa matagal na pananakop sa atin ng mga Kastila. O maaari rin naman dahil sa itinakda ng batas ng simbahan. O pwede rin naman ito ay sanhi ng masyado nating mapanghusga sa mga bagay-bagay na alam nating hindi ordinaryo o hindi itinatakda ng lipunan.

Pero ano nga ba talaga ang ordinaryo? Ano nga ba ang tunay na itinatakda ng lipunan?

 

Aaminin ko na hindi ko rin matanggap ito noong una sapagkat alam ko na mali ito ayon na rin sa paraan ng pagpapalaki sa akin. Kung tutuusin noong una ay wala naman talaga akong alam sa mga ganitong klase ng relasyon, hindi ko nga alam kung bakit at san nagsimula ang bagong "trend" na ito, o ang paraan ng pagpapahiwatig nila ng kanilang nararamdaman sa isa't-isa o kung paano sila magpalipas ng libog sa katawan o kung bakit marami ang naaakit na pumasok sa ganitong relasyon pero ang alam ko lang ay hindi ito maganda sa paningin ko at sa paningin ng nakakarami.

Para sa akin, at sa nakakarami, isa lang ang panuntunan ng isang ordinaryo o normal na relasyon ito ay ang relasyon ng babae at lalaki. Yung mga tipo nila Florante at Laura, Romeo and Juliet at sa iba naman ay sila Alwina at Aguiluz o sila Kristine at Diet.

 

Para sa nakakaalam ng tunay na nangyayari sa loob ng isang homosexual relationships

ay simple lang ang sagot, "bakit mo iisipin ang sasabihin ng iba kung ang susundin mo naman ay ang iyong tunay na nadarama".

Kung iisipin ay tama ito. Pero para sa akin magiging maligaya ka ba kung ang lahat ng mata ng mga taong nakakakita sa inyo ay nagpapahiwatig ng pagkasuklam at pagkabalisa dahil sa lumalalang imoralidad? Na ang lahat ng taong makakakita sa inyong dalawa habang magkasama ay mapapalingon at manghahaba ang leeg para lang makumpirma kung ang hinala nila ay totoo? Na kahit ikaw mismo na may karelasyon ay minsan napapaisip at tinatanong ang sarili kung tama ba ang iyong ginagawa.

Dito ko naisip? Bakit nga ba masyadong maraming patakaran ang ating buhay. Bakit kailangan magtakda pa ng isang panuntunan upang mahiwalay lang natin ang inaakala nating tama sa mali, ang straight sa hindi. Kung iisipin mabuti ay nabubuhay tayo sa isang bansa kung saan napakahalaga ng pagpapahiwatig ng nararamdaman pero bakit mayroon pa din mga tao [kadalasan ay mga taong nakikipag-away upang magkaroon daw ng freedom of expression] na hindi matanggap ang pagiging totoo ng mga taong sinasabihan nila na immoral. Bakit hindi din patas ang turing sa mga mag-syota na straight at hindi. Bakit pagnakakita tayo ng isang straight na pares na naghahalikan ay balewala lang pero pag nakakita tayo ng isang gay pair na magkasama at naglalakad lang sa mall ay parang nakapatay sila kung tignan natin? Napakasakit isipin na sa sobrang bukas ng pag-iisip natin ay nakaligtaan natin itong pagnilayan at pagisipan.

Anong nga ba ang talagang tama? Ano ba talaga ang itinakda ng lipunan? O tama ba talaga ang panuntunan na itinakda ng lipunan?

 

Kalian kaya darating ang araw na matatanggap na rin ng nakakarami na hindi na lang sila Florante at Laura, Romeo and Juliet at iba pa ang basehan ng relasyon. Na mayroon na ring Romeo and John na mayroon na rin Maria at Laura, na pwede na rin magtambal sa pelikula na walang malisya si Jericho at Piolo o si Kristine at Bea. Kailan kaya titigil ang pagmamalinis ng nabubulok nating lipunan? kalian kaya titigil sa pagkondena ng mga tao ang mga sinasabing mga moralista? Kailang kaya magkakaroon ng tunay na freedom of expression?

 

Sa ngayon, Para sa karamihan ng aking mga nakaka-usap, mas masaya na daw sila na nasasabihan ng immoral kaysa hindi nila maihayag ang tunay na nararamdaman. Sa iba naman, hahayaan na lang nila ang mga emosyon nila na mawala upang di na lang masabihan ng immoral. para sa akin? Maaring dumating ang panahon na subukin ko ang ganitong uri ng relasyon, hindi ako magpapaka-ipokrito upang isara ang aking pintuan sa maaaring magandang patunguhan nito. pero sa ngayon? masaya pa ako sa itinatakbo ng buhay ko. ayokong maging komplikado ito. mahirap na...

braincells functioned at 03:08 am
click for comments...pls.  





welcome to my site

name: bjay
age: drinking is legal
loc.: neverland
status: single...

maraming salamat sa pagdalaw sa aking site, hindi ko to masyadong na update pero eto na ulet ako, simula nanaman ng bagong pakikibaka sa blogging world. as you noticed, i deleted most of my entries before, lets just say i want to have a clean slate, sa mga naghop! sige hop lang... ganun pa rin ako, at simple lang ang rules... kung di mo gusto ang nababasa mo, lumipat ka ng ibang site. tapos!
WARNING: ang owner ng site na to ay may sayad sa ulo, pagpasensyahan na ang mga kalokohan hehehe... just keeping it real!

wish list for 08
- i-phone
- white psp
- ticket to hongkong
- putipot trip
- more shot sessions
- lesser tax


past and present

shout box


   







gremlins

links

.:bedista.com:.
.:dulaang bedista:.
.:fhm:.
.:friendster:.
.:lions den:.
.:peyups:.
.:pinoy poets:.
.:ruderford:.
.:the probe:.

Blogarama - The Blog Directory

Image Hosting

Click here to visit guys4men.com

Free Web Counter
hits since nov '04







If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




rss feed